top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 21, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 21, 2019 (Huwebes): Iti­nalaga ka para sa mataas na puwesto. Kaya hindi ka puwedeng manatili sa ibaba. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na ang nagta­tampo ay mananatiling malayo ang loob sa iyo. Mahirap maghanap ng mga mapagkaka­tiwala­ang kaibigan. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-blue.Tips sa lotto-9-10-18-20-24-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Laba­nan mo ang damdaming gusto kang talunin. Ito ay ang kawalang-gana sa paghahanapbuhay. Hin­di puwede na wala kang ginagawa. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.Tips sa lotto-11-13-18-19-23-28.

GEMINI (May 21- June 20) - Bi­bilis ang iyong pag-asenso at walang sinuman ang makahahadlang sa iyo. Kung sino ang magta­tangka, langit mismo ang kanyang makaba­bangga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-15-26-33-39.

CANCER (June 21- July 22) - Pabug­su-bugso ang ihip ng sari­wang hangin. Magpasa­la­mat ka dahil ang mga suwerte mo ay gayundin, pabigla-bigla ang dating na saya pa rin ang hatid sa iyo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-28-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­kikitang na­so­sobrahan ang tiwala mo sa iyong sarili. Hindi ito maganda dahil puwede itong maging sanhi ng ma­laking pagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-26-38-40-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Angat na angat ka kahit wala kang ginaga­wang anuman. Ito ay bu­nga ng paghanga sa iyo ng mga nasa paligid mo dahil sa dating naging de­sisyon mo. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-15-17-21-27-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ididikit ka ng kapalaran sa mga taong may sinasabi, angat sa buhay at puwedeng magbigay sa iyo ng magandang kapa­la­ran. Ngunit, nasa sa iyo pa rin ang pagpapasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-24-26-34-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ma­sama ang mag­saya, pero ang labis na paggastos sa pag­sasaya ay hindi maganda. Kontrolin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay hindi maapektuhan ang iyong kabuhayan. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-12-13-29-30-34-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling bumalik ang masusuwerteng araw mo. Ngayon mo na simulan ang iyong mga plano na hindi mo nagawa dahil nag-aalala ka na baka mabigo ka lang. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-18-26-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titigan mo ang kala­ngitan. Ito ay nagpapaalala sa iyo na ang iyong kapalaran ay malayo sa mga bagyo at unos ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-24-31-33-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Narinig mo na ba na nagpapatuloy ang dating ng mga ibon mula sa malayo? Ito ay nagsasabing, makikina­bang ka sa mga kaibigan mong dayuhan. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-15-29-30-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit nakata­ta­mad ang pa­nahon nga­yon, kailangan mong mag­sikap upang umasenso ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-26-37-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page