Hiwalayan ng KathNiel, pinagtatakpan para 'di malaos si Daniel… SIGAW NG MADLANG PIPOL: KARLA, P


BAGAMA’T nagsalita na ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada at nakiusap sa mga KathNiel fans na chill lang at ‘wag gawing big deal ang pag-unfollow o pag-block ni Kathryn Bernardo sa kanyang anak, hindi matahimik ang mga supporters ng sikat na love team.
Although may mga naniniwala kay Karla na sina Daniel at Kathryn pa rin, may ilang fans ang nagpa-panic at kumbinsidong break na talaga ang on screen at off screen couple dahil ni hindi raw nag-post ang aktres ng Valentine celebration nila o V-Day gift man lang sa kanya ng BF.
Pati nga ang mommy ni Kathryn na si Mrs. Min Bernardo ay kinukulit ng ilang KathNiel fans at pilit na pinaaamin sa tunay na estado ngayon ng relasyon ng KathNiel. Mas maniniwala raw sila kung si Mommy Min ang magsasalita kesa kay Karla na ang feeling ng ilang fans ay plastic daw at pinagtatakpan lang ang hiwalayan nina Kath at DJ para raw ‘di masira ang career lalo na ng kanyang anak.
Sabi pa ng mga fans, magpakatotoo na raw sana sina Kathryn at Daniel kung totoong hiwalay na sila dahil tatanggapin pa rin naman nila at susuportahan ang love team kahit maghiwalay na ang mga ito dahil inirerespeto nila ang private life ng kanilang mga idolo.
Pero ngayon pa lang, may ilang netizens na agad ang nagsasabing kaya takot na takot si Karla na sabihin ang totoo sa hiwalayan ay dahil mapag-iiwanan ni Kathryn si Daniel ‘pag naghiwalay sila.
Usually daw kasi, sa hiwalayan ng mga love teams, ang babae ang umaangat ang career habang nalalaos naman ang lalaki.
Samantala, may ilang fans ang nagkakalat ng news na ‘third party’ ang dahilan ng LQ ngayon nina Kathryn at Daniel. May madalas daw na pinupuntahan sa Batangas ang Teen King at siyempre, ‘di raw ito-tolerate ng mommy ni Kathryn na lokohin ni DJ ang kanyang anak.
Pero pakiusap ng ilang fans, ‘wag magkalat ng maling impormasyon ang ibang kapwa nila KathNiel supporters lalo’t walang matibay na pruweba. Imbes daw kasi malinawan ang issue sa hiwalayan, nakakaimpluwensiya pa sa ilang fans at naniniwala sa fake news na may ibang babae si DJ kaya war sila ngayon ni Kathryn.
Well, dahil nasa bakasyon pa nga si Daniel, tiyak na sa pagbabalik niya ay raratratin siya ng sunud-sunod na tanong tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Kathryn na nag-ugat sa simpleng pag-unfollow niya sa GF sa Instagram, na ayon nga kay Kath ay aksidente lang niyang na-block si DJ kaya siya na-unfollow nito.





Comments