Ayon sa mga eksperto… PAGGAMIT NG KULAY, NAKAPE-PREVENT NG SAKIT SA PAG-IISIP!


MARAMING mamshie riyan ang bumibili ng mga gamit na ang kulay ay favorite nina bagets. Kaya kung minsan, eh, iisang kulay na lang ang makikita mo sa kuwarto nila o maging sa buong bahay nila. Wala namang masama ru’n, pero siguradong gagamit na kayo ng iba pang mga kulay kapag nalaman ninyo ang health benefits na maaaring makuha nina bagets mula rito.
Noong nakaraang 2,000 taon, ilang kultura ang gumagamit ng mga kulay para sa pagte-therapy kabilang ang mga Egyptian at Chinese. Ito ay tinawag na chromotherapy at light therapy o colorology kung saan ang mga ito ay patuloy pa ring ginagamit bilang alternative treatment sa panahon ngayon.
Ang color therapy ay pinaniniwalaang gumagamit ng visible spectrum of light at kulay na nakatutulong upang maiba ang mood ng indibidwal, gayundin, ang kanilang physical at mental health.
Ayon sa mga eksperto, ang bawat kulay ay mayroong frequency at vibration na nakaaapekto sa enerhiya ng tao.
Samantala, ang mga eksperto ay naniniwala na ang mga kulay na pumapasok sa katawan ng indibidwal ay nag-a-activate ng hormones at nagiging sanhi ng chemical reactions na nakatutulong upang maimpluwensiyahan ang ating emosyon.
Halimbawa, ang pula ay nakai-stimulate ng katawan at isipan, gayundin sa pagtaas ng sirkulasyon ng dugo. Ang orange naman ay nakatutulong sa pagpapagaling ng baga, gayundin nakapagpapataas ito ng energy level. Ang blue naman ay nakagagamot ng pain o sakit habang ang indigo ay nakagagamot ng skin problem. Samantala, nakare-relax ng emotionally imbalanced ang green at nakamo-motivate ng mga taong dumaranas ng depresyon ang yellow.
Ayon sa mga eksperto, ang mga kulay ay mayroon umanong impluwensiya sa ating nararamdaman at maaari rin itong maging dahilan ng physiological changes sa ating katawan.
Sa pag-aaral, mayroong mga kulay na nakapagpapataas ng blood pressure, metabolism at adrenaline at mayroon ding nakapagpapaganda ng sleeping habits, nakabu-boost ng memorya at nakae-enhance ng academic performance.
Samantala, ayon sa pag-aaral, napag-alaman ng mga researcher na ang pagtingin ng estudyante sa kulay pula bago ang exam ay maaari umanong makaapekto sa kanilang performance.
Ang mga mag-aaral na pinakitaan ng pulang number ay nakakukuha ng mababang score kumpara sa mga estudyante na nakakita ng ibang kulay, partikular ang green o black.
Ayon sa mga researcher mula sa University of California, ang mga kabataan ay pumipili ng bright color para irepresenta ang kanilang positibong emosyon habang ang dark color naman ay para sa mga negatibong nararamdaman nila.
Dahil dito, mas magandang gawing basehan ang mga kulay upang malaman ang kanilang emosyon kaysa sa mga sinasabi nila.
Gayunman, ang bawat kulay ay nakaaapekto umano sa mood ng kabataan, kaya nagbigay ng ilang rekomendasyon ang mga eksperto upang makatulong ang mga ito sa mga bata.
Ang paggamit ng kulay blue at green ay nakatutulong umano sa pagre-relax ng bata. Gayundin, ito ay magandang gamitin sa kanilang kuwarto dahil epektibo itong pampakalma ng mood, partikular sa mga batang maintin ang ulo. Hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng dark color sa kuwarto nina bagets dahil nagbibigay umano ito ng mabigat na mood.
Upang makapagpokus sa pag-aaral si bagets, inirerekomenda ng mga eksperto ang paglalagay ng anumang uri ng kagamitan na kulay dilaw tulad ng tablecloth, folder, lapis at pencil case.
Kung mayroong study room, mas mainam umanong kulay dilaw ang pinturang gagamitin dito.
Samantala, ang matitingkad na kulay tulad ng pula at orange ay maaaring gamitin sa kagamitan sa pagkain dahil nakai-stimulate ito ng apetite.
Wow! Hindi lang pala pampabuhay ang mga kulay dahil may iba’t iba pa itong kayang gawin na siguradong mapakikinabangan natin.
Kaya mga mamshie, make sure na susundin ninyo ang mga rekomendasyon ng mga eksperto, ha? Have a colorful life! Copy? He-he-he!





Comments