top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Utos ng FDA | DENGVAXIA, BAWAL

Madel Moratillo
Feb 20, 2019
1 min read

BAWAL nang mag-ang­kat, magbenta at mamahagi ng kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa bansa.

Ito ay matapos tulu­yang bawiin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang certificate of product re­gistration (CPR) ng Deng­vaxia.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade, ang ka­nilang aksiyon ay dahil sa patuloy na pagkabigo ng ma­nufacturer ng Dengvaxia, ang French pharmaceutical giant na Sanofi Pasteur, na mag­sumite ng ‘post-approval commitment documents’ sa FDA.

Ito ay isa umanong pag­balewala sa kanilang mga ipina­tutupad na panuntunan at regulasyon. Naging kontrobersiyal ang Dengvaxia matapos aminin ng Sanofi na maa­aring dapuan ng mas ma­lalang den­gue ang mga taong binakunahan na ngunit, hindi pa tinatamaan ng sakit.

Agad namang sinuspin­de ng Department of Health (DOH) ang isinasagawa ni­tong mass Dengvaxia immu­nization sa mga paaralan sa bansa, lalo na nang mapaulat na dumarami ang mga ba­tang nabakunahan ang na­mamatay.

Nilinaw naman ng DOH na wala pang malinaw na kati­bayan na ang Dengvaxia nga ang naging dahilan ng pag­kama­tay ng mga naba­kunahan nito.

Maging ang ibang ba­kuna naman ay naapektuhan umano ng Dengvaxia scare kaya dumami ang mga ma­gulang na ayaw magpaba­kuna ng kanilang mga anak, na malaunan ay nauwi sa measles outbreak ngayon sa ilang lugar sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page