top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sumabak sa Marawi siege 75 PANG PULIS, PROMOTED

V. Reyes
Feb 20, 2019
1 min read

GINAWARAN ng special promotion ang karagdagang 75 pulis na nagpakita ng kanilang katapangan at pag­bubuwis ng buhay sa pagsabak sa Marawi siege.

Kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) en banc ang promosyon sa matataas na ranggo ng mga pulis kasunod ng rekomen­dasyon ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na maga­waran ang mga ito ng meritorious promotion.

Sinabi ni NAPOL­COM Vice-Chairman at Executive Officer Ro­gelio Casurao na ang nasabing mga PNP uniformed personnel ay nagtrabaho nang husto para tuluyang mapulbos ang may isanlibong miyembro ng Maute-ISIS Group at Abu Sayyaf Group kasama na ang mga lider na sina Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Aabot din sa halos 2,000 mga bihag ang nailigtas at hindi bababa sa 400 mga de-kalib­reng armas, gayundin ang mga bala at pam­pasabog ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Marawi.

Nauna na ring ki­num­pirma ng NA­POLCOM ang special promotion ng may 745 pulis na sumabak din sa giyera sa Marawi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page