Sinundan ni mister | MISIS HULING KA-SEX ANG KABIT, KINATAY

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng 57-anyos na mister ang kanyang asawa nang maaktuhang may ibang kasiping sa Binalbagan, Negros Occidental.
Nasa kustodiya ng Binalbagan Municipal Police Station ang suspek na si Artemio Electico, matapos ang pagpatay sa asawa nito na nangyari sa Crossing Bakyas, Bgy. San Jose, kahapon ng alas-4:00 ng madaling-araw.
Batay sa report kay Chief Inspector Albert Sy, mag-iisang taon na umanong hiwalay ang mag-asawa at kapwa may iba na silang bahay na tinitirhan.
Matagal na rin umanong may hinala ang mister na may kalaguyo ang hindi na pinangalanang biktima at posibleng ito ang rason kung bakit minamanmanan siya ng kanyang nakahiwalayang mister.
Lumalabas sa imbestigasyon na naaktuhan umano ni Electico ang misis nito na may kaulayaw na ibang lalaki na sinasabing bagong “lover” at ito ay nakilalang si ‘Rosenio’, 48.
Matapos maaktuhan ang ginagawa ng dalawa ay nagsuntukan pa umano sina Electico at ‘Rosenio’ ngunit, nakatakas ang huli at naiwan ang misis na siya namang pinagsasaksak ng suspek.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.





Comments