Para pigilan ang pagdeklara ng nat’l emergency 16 ESTADO, MAGSASAMPA NG KASO KAY TRUMP
NAGSAMA-SAMA ang 16 estado sa Amerika sa paghahain ng reklamo upang pigilan ang pagdeklara ni U.S. President Donald Trump ng national emergency.
Pinangunahan ito ni California Attorney General Xavier Becerra at idinulog sa U.S. District Court ng Northern District of California.
Haharangin umano nila ang ginagawang paglabag ni Trump sa kanilang Saligang-Batas, ayon kay Becerra.
Gayunman, ang pagkuha ng pera sa mga mamamayan para pondohan ang pagpapatayo ng border wall ay tinatawag na pag-abuso sa ‘separation of powers’.
Samantala, ang mga attorney general na naghain ng kaso ay mula sa Colorado, Connecticut, Delaware, Hawaii, Illinois, Maine, Maryland, Michigan, Minnesota, Nevada, New Jersey, New Mexico, New York, Oregon, Virginia at California.
Una rito, nagsampa ng kaso ang ilang grupo laban sa Trump administration dahil sa kontrobersiyal na national emergency para sa pagtatayo ng U.S.-Mexico border wall.
Batay sa deklarasyon ni Trump, kukuha ang gobyerno ng $2.5 billion sa militray narcotics funding at 3.5 billion sa military construction funding.





Comments