top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kaya move on, move on din ‘pag may time, friend! BABAENG SA SANDALING I-LET GO ANG EX-BF NA MAYROON

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2019
2 min read

KATANUNGAN

1. May naging boy­friend ako, kaya lang nag-break din kami. Noong sinagot ko siya ay niyaya niya akong manood ng sine. Hinalikan niya ako at muntik na niyang ma­kuha ang aking pagkaba­bae.

2. Pagkatapos ng pang­yayaring ‘yun, dumalaw siya sa bahay at ang sabi niya ay mamamanhikan na raw sila kung gusto ko. Hin­di ako pumayag dahil hindi pa ako handang mag-asawa.

3. Mula noon ay hindi na siya nagpakita sa akin. Wala kaming pormal na break-up, pero bigla na lang siyang nawala at ang balita ko ay may nililiga­wan na siyang ibang ba­bae.

4. Bakit kaya siya nag­kaganu’n, sa palagay ninyo mahal kaya talaga ako ng lalaking ito o pinaglaruan lang niya ako?

5. Ang totoo, mahal na mahal ko siya, kaya lang wala na akong magagawa kung ayaw na niya sa akin. Bakit kaya siya nagbago at biglang nawala?

6. Sa palagay ninyo, Maestro, magkakaba­li­kan pa ba kami o mas mainam na mag-move on na lang ako at tumang­gap ng bagong mga man­lili­gaw at kalimutan na siya?

KASAGUTAN

1. Kapansin-pansing da­lawa ang malinaw na Mar­riage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Isang maikli (arrow a.) at isang mahaba (arrow b.). Tanda na ang maikling Marriage Line (1-M arrow a.) ay sadyang inilaan para sa pakikipagrelasyon, ngu­nit, ang mas mahabang Mar­riage Line (2-M arrow b.) ay siya namang maituturing na relasyong pangmatagalan at panghabambuhay na.

2. Sa kaso mo, Jhanna, kung ang kasalukuyan mong boyfriend na bigla na lang nag­laho ang unang kasinta­han mo, tiyak ang magaga­nap, tuluyan na kayong mag­kakahiwalay at magkaka­layo upang pagkatapos nito, sa ikalawang pakikipagre­­las­yon sa susunod na pana­hon, ang pangalawang boy­friend mong ito na darating pa la­mang ang nakatakda mo ng mapangasawa at maka­sama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pa­milya.

MGA DAPAT GAWIN

1. Jhanna, ayon sa iyong mga datos, kung hindi naman umabot ng isang taon at ma­higit ang relasyon ninyo ng boyfriend mo, tunay ngang hindi siya ang nakaguhit sa iyong mga palad, ito ang Mar­riage Line (arrow a.) na bi­nanggit na sa itaas.

2. At dahil hindi naman talaga siya ang nakaguhit sa iyong mga palad, may dara­ting pang ikalawang lalaki sa buhay mo na magiging boy­friend mo rin at mas magi­ging maligaya at matamis ang pagsasaluhan ninyong relasyon.

3. Tulad ng nasabi na, ang ikalawang boyfriend mo ng ito ang iyong makatutu­luyan at makakasama sa pag­buo ng maligaya at pangha­bam­buhay na pamilya na na­katakdang mangyari at ma­ganap sa susunod na taong 2020, sa edad mong 22 pa­taas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page