Kahit lumabas pa ang audio recording ng pagbabanta... SIGAW NI KRIS: 'DI N'YO 'KO MAITUT
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 3 min read

SINAGOT ng magkapatid na Nicko at Atty. Jesus Falcis ang mga bagong pahayag ni Kris Aquino sa four-part video nitong lumabas sa social media na kinunan sa bahay ni Kris sa Quezon City noong February 11 (Lunes).
Interview ‘yun kay Kris ng talent manager/actor/radio host na si Ogie Diaz at ng Balita entertainment editor na si Dindo Balares.
Sa four-part vlog ni Kris na may titulong Unscripted with Kris na umere noong Pebrero 14 — mismong kaarawan ng actress/web star — nag-update ito tungkol sa kanyang endorsements, kalusugan, love life, career at mga anak.
Kaya lang, ang nagsilbing highlight nito ay ang mga pahayag niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng dati niyang manager-business partner na si Nicko Falcis at ni Atty. Jess.
Pahayag pa ni Nicko kay Kris: “Move on with your life.”
Sa kanyang Instagram post nu’ng Linggo (February 17), binigyang-diin ni Nicko ang pagbabanta ni Kris sa buhay niya at pati na sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Kalakip ang screenshot ng isang artikulo mula sa ANCX na may titulong “Kris finds complaint against her “Laughable,” ayon sa magkapatid na Falcis, “Face your case”
Sabi rin ni Nicko, hindi nito mapapatawad si Kris sa ginawa nitong pangha-harass sa kanila.
“When you said the words, ‘Ipapapatay ka ng pamilya ko. Dare to set foot in this country and you will be dead’ or threatened even my closest family members, my peers and best friends ‘I’ll throw you under the bus’ and ‘You will be collateral damage’, I saw the MOST manipulative, vile and bitter woman ever.
“Yes you were hurt, but that doesn’t give you the right to criminally harass and threaten our lives, which YOU admitted!
“When you open your mouth, all the things you say are libelous! So best for you to SHUT UP about us and move on with your life. Never go near my family and friends again.
“A death threat is a death threat. Such statements can NEVER be taken lightly nor be ‘laughable.’”
Kung noong February 14 ay sinabi ni Kris na hindi niya mapapatawad si Nicko sa pagpipinta sa kanya sa publiko bilang “ang pinakamasamang tao sa mundo,” nitong February 17 naman ay sinabi ni Nicko: “The great amount of stress you caused my family especially to my mom can NEVER be forgiven.”
Matapos nito ay ginamit ni Nicko ang hashtag ng pamilya Falcis sa isyung ito: “NO MORE BULLYING!!! Let’s end this #Krisis.”
Ayon pa kay Nicko — isang certified public accountant na sinasabing nakapagsara ng 54 endorsements para kay Kris — marami nang brands ang gustong humiwalay sa actress/TV host/web star.
Aniya, “A lot of people and actually a lot of BRANDS want you out of their lives.”
Ito ay taliwas naman sa sinabi ni Kris sa kanyang four-part birthday vlog na isang brand lamang — ang Thai skincare brand na Snail White — ang ‘di na nag-renew dahil umano sa skin disease niyang chronic spontaneous urticaria.
Sa hiwalay na post, may pahayag din si Nicko sa sinabi ni Kris na hindi siya napatumba ng audio recording ng phone conversation nilang kumalat sa social media noong Enero.
Sa nasabing audio recording, maririnig ang babaeng pinagbabantaan ang isang lalaki ng: “IPAPAPATAY KA NG PAMILYA KO.”
Noong January 15, inamin ni Kris na siya nga ang babaeng nasa kumalat na audio recording. Ngunit sa huli ay binawi ito ni Kris dahil pang-bluff lamang daw niya ‘yun kay Nicko, bukod pa sa inadmissible ang audio recording sa korte dahil hindi sinabi roon na inire-record ni Nicko ang usapan.
Tatlong araw matapos nito, noong January 18, nag-file ng complaint ng two counts of grave threats sina Nicko at Atty. Jess laban kay Kris.





Comments