top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 20, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 20, 2019 (Miyerkules): Na­pakalakas ng iyong pan­da­ma dahil kahit magka­ila ang taong iyong pinag­bibintangan, mabibisto pa rin siya ng karamihan. Ga­yunman, huwag kang pa­ta­tangay sa iyong emosyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bubukas ang iyong puso at sa pagbu­kas nito ay magkakaroon ka ng problema sa love life. Pero, sa pamamagitan ng ma­gan­dang paliwanag, maa­ayos ang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-38-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbaba­lik ang mga araw na masu­werte ka. Magandang sen­yales ito na nagsasabing ang mga problema sa pa­nanalapi ay biglaang ma­lu­lutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-12-32-39-44.

GEMINI (May 21- June 20) - Muling ba­ba­gal ang ikot ng iyong mundo dahil magiging abala ka sa problema ng iba. Hindi masama ang tumulong, pero dapat alam mo na may hangganan ang pagtulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-21-26-34-38.

CANCER (June 21- July 22) - Ngayon mo na sabihin sa la­ngit ang iyong mga kahilingan. Ito ay dahil hindi Niya narinig ang mga hiniling mo noong nakaraan. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-22-28-30-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­pag maganda ang takbo ng iyong love life, gaganda rin ang takbo ng kabuhayan mo. Kaya pa­sayahin mo ang iyong mga mahal sa buhay at ang ne­gosyo mo ay magiging ma­siglang-masigla. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-3-9-19-21-29-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang payo ng ka­palaran mo nga­yon dahil sinasabi nito na huwag kang maniwala sa iyong sarili. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-25-35-41-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masamang biruin ang ba­gong gising, pero ang bagong gising sa love life pagkatapos ng ka­biguan ay muling mag­mamahal ng dahil sa pagbi­biro. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-15-23-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagba­ban­ta ang ma­tinding selos na maghahari sa iyo. Ma­hahadlangan ka nito kapag ipinairal mo ang iyong isip at hindi ang damdamin mo. Patunay ang kailangan sa lahat ng mga pagbibin­tang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-8-11-12-20-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasaya­hin mo ang iyong sarili. Ang ma­sayang nilalang ay may kakayahang gawin ang mga imposibleng bagay. Ang malulungkot ay pag­dara­mutan ng mga suwerte. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-17-28-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka! Marami ang magka­ka­gusto sa iyo, kaya pagbu­tihin mo ang pagpili at ang gawin mong batayan ay kung sino ang may pa­nga­rap sa buhay. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-24-25-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang habulin ang mga su­wer­teng nasa kamay mo na sana, pero biglang lu­mi­pad at nawala. Mapa­palitan ito ng mas malaki at marami. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-26-28-34-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pa­kinggan mo ang iyong sa­rili. Ibig sabi­hin, hu­wag kang makinig sa iba. Ikaw ang higit na na­kaa­alam kung ano ang ma­­ka­bubuti para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­­­pa­la­ran. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-25-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page