Dahil sa alitan ng Poland at Israel EUROPEAN LEADERS SUMMIT, KANSELADO
KINANSELA ang gaganaping summit ng European leaders sa Israel dahil sa alitan nila ng Poland.
Unang nag-withdraw ang Poland sa komento mula sa Israel leaders tungkol sa naganap na holocaust noon kung saan tinutukoy dito ang naging pahayag ni Israel acting Foreigner Minister Yisrael Katz sa pakikipagsabwatan ng Poland sa mga Nazi.
Matatandaang, umabot sa anim na milyong Hudyo ang pinatay noon ng Nazi Germany na karamihan ay mula sa Poland dahil sa pakikipagsabwatan sa Nazi.
Samantala, ayon kay Polish Prime Minister Mateusz Morawiecki, hindi umano katanggap-tanggap ang naging pahayag ng Israel.
Ang pagpupulong na nakansela ay naglalayon na pagkaisahin ang Poland, Czech Republic, Hungary at Slovakia, gayundin ang Israel na nakatakdang mag-host.





Comments