top of page

Alamin mula kay Señor…MGA BAGAY NA DAPAT GAWIN TUWING LILIPAT NG BAGONG BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Re­becca ng Rebecca_Beck-beck@facebook.com

Dear Señor,

OFW ako at unti-unti ay ipinagawa ko ang ba­­hay namin dahil na­ngu­ngupa­han lang kami at noon pa namin pangarap na magka­roon ng sariling bahay.

Pero, ngayon ay lili­pat na kami sa ipinagawa kong bahay. Gusto kong humi­ngi sa inyo ng gabay kung ano ang masusuwerteng dapat gawin tuwing lilipat ng ba­gong bahay?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Rebecca

Sa iyo Rebecca,

Narito ang ilang maha­halagang bagay na dapat ga­­win kapag lilipat sa ba­gong bahay:

1. Bago kayo lumipat, maglinis kayo ng gamit na ga­gamitan ng maraming tubig.

2. Sa araw ng paglipat ninyo, ang unang dapat ipa­sok sa bahay ay bigas dahil ito ang numero-unong pa­nga­ngailangan ng pamilya.

3. Ang bigas ay dapat na isaboy sa buong bahay. Pag­katapos ng pitong araw at saka maglinis ng bahay.

4. Tulad ng bigas, dapat ding isaboy ang asin sa loob ng bahay.

5. Gayundin, ang barya na dapat na ilagay sa banga.

6. Ang kasunod na ipa­pasok ay walis na iwawasi­was sa buong bahay, lalo na sa mga kanto ng bahay. Itata­go ang walis sa taguan ng gamit at ang gagamitin lang sa paglilinis ng bahay ay tat­long walis. Ang nati­tirang walis ay ilalabas ka­pag may sakit ang isa sa mga miyem­bro ng pamilya na nakatira sa bahay.

7. Ipapasok din ang ilang kaha ng posporo na si­sindihan sa buong bahay. Ang ganitong ritwal ay hin­di pambata, kaya dapat ay hindi kasama o malayo ang mga bata kapag sinin­dihan ang kahon ng pos­poro. Iwa­san din na malapit ang pos­poro sa kurtina o mga papel.

8. Kailangan ding mag­dasal ang lahat ng Ama Na­min at Sumasampalataya, hindi naman gaanong ma­halaga kung kabisado ang mga dasal na ito dahil pu­wede namang basahin ang mga dasal sa harap ng altar.

Mayroon pang ibang mga dapat gawin, pero ang mga nasa itaas ang pina­ka­mahalaga para sa mga ma­ninirahan sa bagong bahay.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page