top of page
Pokwang.jpg

2 timbog sa 4-kilo ng marijuana

Maeng Santos
Feb 20, 2019
1 min read

APAT na kilo ng hinihi­nalang pinatuyong dahon ng marijuana na tina­tayang nasa P120,000 ang halaga ang nakumpiska sa dalawang tulak ng droga na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga naarestong suspek na sina Johnedel Geronimo, 27, at Methuselah Para­dero, 28, kapwa nasa drug watchlist ng pulisya.

Ayon kay Sr. Supt. Poklay, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PSI Segundino Bulan, Jr., ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa 7th Street corner Fortune Driver Fortune Village 5, Bgy. Parada, ala-1:00 ng madaling-araw.

Nagawang makabili ni PO1 Gary Garcia na nagpanggap na poseur-buyer ng isang pack ng marijuana na nagkaka­halagang P500 kay Geronimo sa loob ng pulang Toyota Innova na may conduction sticker (YY 8156) at nang magbigay ito ng signal sa mga kasamahan, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.

Narekober kay Gero­nimo ang P2,000 habang kay Paradero naman nakuha ang marked money.

Nang halughugin ang loob ng sasakyan, apat na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumi­timbang ng apat na kilo ang nakuha ng mga operatiba na dadalhin sa crime laboratory sa Camp Crame habang sasam­pahan na ng kaukulang kaso ang dalawang nasakote.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page