Wa' kiyeme… GABBY, EXCITED NANG MAGING TRANSGENDER!

Nitz Miralles / BIDA

HINDI lang sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw na Bituin magkasama sina Gabby Eigenmann at Sunshine Dizon dahil magkatambal din sila sa indie film na Versus.
Ang kaibahan lang, kung sa Inagaw na Bituin, sa later part pa ng story magkakaroon ng relasyon sina Belinda (Sunshine) at George (Gabby), sa Versus, mag-asawa ang role nila.
Hindi si Gabby ang original choice sa Versus kung saan transgender ang role niya, pero hindi ito isyu sa aktor dahil ang importante, siya ang final choice. Siya raw ang nagwagi at excited siya sa first time na pagganap ng isang transgender.
Ang katwiran ni Gabby, at least, sa Inagaw na Bituin, first choice siya sa role ng isang music/film/concert producer at pagbalik niya mula sa European vacation, ang sumalubong sa kanya ay ang bagong teleserye.
Part ng talent fee ni Gabby sa Inagaw na Bituin ay iipunin niya para sa US vacation naman nila ng kanyang pamilya.





Comments