TATLONG TRES NI CAIDIC, WAGI SA LEGENDS RETURN

SA bakbakan ng Grand Slam teams, pinatunayan ng San Miguel Beer ang husay nila sa hardcourt kontra longtime rival na Alaska. Lumayo nang husto ang iskor ng Beermen hanggang fourth quarter noong Linggo ng gabi para magwagi sa 96-83 kontra Milkmen sa idinaos na PBA Legends Return of the Rivals game sa Big Dome.
Sa kabila nang nahirapan pa sa first half, nakabanat si Allan Caidic sa second quarter, dumagdag pa ng iskor na dalawang tres sa huling bahagi nang ungusan ng San Miguel ang Alaska. Nagbigay ang tinaguriang Triggerman ng siyam na puntos na kalamangan para sa Beermen.
Sa kabila nang mga mintis niyang tira sa mga sumunod na tangka, uminit ang palad ni Caidic sa gitna ng laro at nakabasket ng tres bago ang break at ibigay sa San Miguel ang 91-79 advantage. Si Triggerman ay nagsilbing leading scorer sa 26 points, 21 sa second half at sa kabuuan ay may anim na triple.





Comments