top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sex abuse summit, ready na

Jersey Sanchez
Feb 19, 2019
1 min read

IPINATAWAG ni Pope Francis ang mga presidente ng kapulunan ng mga Obispo sa iba’t ibang bansa para talakayin ang isyu ng pang-aabuso ng ilang mga pari at Obispo.

Sa mensahe ng Santo Papa sa Angelus noong Linggo, ang sex abuse scandal ay isa umanong pagsubok na dapat nang harapin.

Ang pagpupulong ay tinawag na ‘Summit on the Protection of Minors’ na magaganap sa Pebrero 21, Huwebes hanggang Linggo, Pebrero 24.

Gayunman, nakatakdang talakayin sa naturang pagpupulong ang ilang tema tulad ng pananagutan at katapatan ng mga Obispo.

Magbibigay din ng testimonya ang mga biktima ng pang-aabuso at magkakaroon ng banal na misa ay penintential liturgy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page