Pangakong napako ni P-Digong, boladas ng kandidato ngayon, tsk-tsk-tsk!
- BULGAR

- Feb 19, 2019
- 2 min read
TULAD NI P-DUTERTE, TRIP DING GAMITIN NI MAYOR SARA ANG DIYOS SA ELEKSIYON—Sa proclamation rally ng mga kandidato ng “Hugpong ng Pagbabago” sa Bataan, ang sabi ni Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio ay kailangan daw niya ng gabay ng Diyos sakaling tumakbo siyang pangulo sa 2022.
Manang-mana talaga si Mayor Sara sa kanyang erpat sa panggagamit sa Diyos tuwing eleksiyon, ganyan din kasi ang sinabi ni P-Duterte noong presidential elections na gabay ng Panginoon ang kailangan niya at madalas pa siyang magsimba, pero nang maluklok na sa poder, minumura at inaalipusta na niya, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
BOLADAS NI P-DUTERTE SA ENDO, GINAGAMIT NI CHONG — Kung pamboboladas sa publiko ang pag-uusapan tungkol sa isyung endo o kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa, idolo ni Senatorial candidate Glenn Chong si P-Duterte.
Ang sabi ni Chong, kapag naging senador daw siya, isusulong niyang wakasan na ang endo at ganyan din ang campaign promise noon ni P-Duterte, pero nang maging pangulo na, sinabi niyang hindi raw pala puwedeng alisin ang kontraktuwalisasyon dahil ayaw umano ng mga kapitalista, boom!
◘◘◘
SEN. “KOKO”, NA NAG-FILE NG BATAS NA MANDATORY DEBATE, ATRAS NAMAN SA DEBATE — Nag-file noon si reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ng batas na gawin nang mandatory ng Comelec ang election debates para raw mapulsuhan ng publiko ang mga kandidatong dapat iboto.
Ang masaklap, nang imbitahan si Sen. “Koko” ng ABS-CBN para sa “Harapan 2019 Debate” ng mga kandidatong senador, eh, atras naman at hindi raw siya puwede kasi busy daw siya, ha-ha-ha!
◘◘◘
RAKET NINA ‘ABIONG’, ‘OMBENG’ AT ‘JUDY’ SA NAVOTAS CITY—Balik-operasyon na naman daw ang raket na “lotteng” at “bookies” nina “Abiong”, “Ombeng” at “Judy” sa Navotas City.
Kailan kaya ire-request ni Mayor John Rey Tianco kay Navotas City Station Commander S/Supt. Rolando Balasabas na “tokhangin” ang mga iligalistang ito? Abangan!





Comments