Nu'ng singer, 'di kinagat… RITA, MAS SUMIKAT NANG MAGING POKP*K


MALAKI ang dapat ipagpasalamat ng Kapuso star na si Rita Daniela kay Ken Chan na bida sa seryeng My Special Tatay at gumanap bilang si Boyet, ang batang ama na autistic.
Si Rita Daniela ay gumanap bilang si Aubrey, ang babaeng pokp*k na naanakan ni Boyet at naging malaking bahagi ng buhay nito.
Bentang-benta sa mga televiewers sina Boyet at Aubrey at kahit saan sila magpunta ay ang kanilang character sa My Special Tatay ang isinisigaw ng mga tao.
Nag-guest din sina Rita Daniela at Ken Chan last Sunday sa The Boobay and Tekla Show at nakigulo kina Boobay at Super Tekla.
Sa pagiging singer unang nakilala si Rita Daniela (dating Rita Iringan), pero mas sumikat ngayon bilang si Aubrey sa My Special Tatay.





Comments