Nabulgar: mga bulaklak, iniipitan ng shabu!

NADISKUBRE ng mga awtoridad ang modus ng nagpapanggap na magkarelasyon kung saan sinasamantala ng mga suspek ang mga okasyong tulad ng Valentine’s Day, kasalan, anibersaryo at maging ang binyagan.
Ayon sa kapulisan ng Cavite, nagpapanggap na magkasintahan ang mga suspek na sina alyas Papa G. at alyas Mabel para makapagpadala ng bulaklak sa mga umo-order na kliyente nila na kapag nagkasundo na kung saan at kailan ide-deliver ang bulaklak ay kanila nang iniipitan ng shabu sa magkanong halaga ang boquet ng bulaklak para makapagtulak sa target na biktima.
Kung ang tulak o bigtime pusher ay inilalagay sa mga imahen ng santo, inilalagay sa mga canned good, ipinapasok sa magnetic lifters, ibinebenta online at kamakailan lang ay inilalagay sa muffler o tambutso ng sasakyan ay hindi nakalulusot sa mga magiting nating awtoridad, ngayon naman ay iniipit sa bouquet ng bulaklak at itinutulak sa mga okasyong uso ngayong pagpasok ng summer.
Kaya mga ka-BULGAR, para maiwasan ang ganitong raket ng mga tulak, maging mulat kayo sa mga nangyayari sa kapaligiran dahil nagkalat ang mga demonyong pusher ng iligal na droga at para na rin makaiwas at hindi kayo mapaghinalaang sangkot kayo sa iligal na droga.
Mga suki, paalala lamang ito para hindi magulo ang inyong tahimik na buhay at mailayo kayo sa perhuwisyong maidudulot nito dahil baka mapadpad sa inyong lugar ang mga hinayupak na tulak ng iligal na droga na nakaipit sa mga bulaklak.
Ikaw kaibigan, anong sey mo?
Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!
Ligtas ang may alam!
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments