top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga bala at gun replica nasabat sa airport

  • Jeff Tumbado
  • Feb 19, 2019
  • 1 min read

NASABAT ng pulisya ang nasa mahigit 50 piraso ng iba’t ibang uri ng mga bala maging ang ilang gun replica sa magkahiwalay na insidente sa Mactan-Cebu International Airport.

Batay sa report ng Philippine National Police-Aviation Group, ang naturang mga kontrabando ay nakuha mismo sa ilang pasaherong nakapasok na sa naturang paliparan.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 6mm airsoft gun, bala para sa 9mm caliber na bitbit ng isang U.S. citizen na pasahero, isang bala para sa .45 caliber na dala ng pasaherong retired army general, 42 piraso ng bala para sa .40 caliber na nasa bagahe ng isang hukom, isang bala ng M16 na bitbit naman ng pasaherong estudyante, 5 piraso ng bala para sa .22 caliber at 5 piraso ng bala para sa .38 caliber.

Gayunman, matapos ang imbestigasyon ay pinayagan din ang mga pasahero na makasakay sa kanilang biyahe.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page