top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG LUMIGAYA SA BF NA MAYROONG WEAK NUMBER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Dalawa ang boyfriend ko ngayon, pero hindi nila alam na dalawa sila sa bu­hay ko. Alam kong mali ang ginagawa ko, kaya gusto ko nang magseryoso at pumili ng isa sa kanila.

Gusto kong malaman, Maestro, kung sino sa da­lawa kong boyfriend ang mas ka-compatible ko at nararapat kong seryoso­hin at makasama kung sakaling mag-aasawa na ako?

June 1, 1994 ang birth­day ko at ang dalawang boyfriend ko ay tawagin na lang nating si Mr. Libra na isinilang noong October 10, 1993 at si Mr. Aquarius na isinilang naman noong February 16, 1991.

Umaasa,

Emerald ng Ortigas Avenue, Pasig City

Dear Emerald,

Kung Western Astrology ang pag-uusapan, tunay ngang kapwa mo ka-com­patible ang boyfriend mong sina Mr. Libra at Mr. Aqua­rius sapagkat ang Aquarius at Libra ay tugma sa zodiac sign mong Gemini.

Nangyari ito sapagkat ang Libra, Aquarius at Ge­mini ay pare-parehong nag­tataglay ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, kayong tatlo sa pagsusuring pang-Astrology ay sadyang mag­ka­­katugma.

Kaya kung Western As­trology ang tutugon sa ta­nong mo kung sino ang da­pat mong piliin sa dalawang boyfriend mo? Maliwanag ang sagot, kahit sino sa kanila dahil pareho mo naman si­lang katugma.

Subalit, sa pagsusuring pang-Numerology, luma­labas na ikaw ay may strong number na 1 habang si Mr. Libra na may birth date na 10 o 1 din (dahil ang 10 ay 1+0=1) ay nagkataong tulad mo na mayroon ding strong number.

Ibig sabihin, pareho ka­yong may strong number na 1 ni Mr. Libra at dahil ka­pwa kayo nagtataglay ng strong number, posibleng ka­pag umusad na ang inyong relas­yon, magaganap ang ma­da­las na pagtatalo o hindi pag­ka­kaunawaan dahil pa­reho kayong may pagkamaya­bang, ma-pride at ma-ego.

Dahil dito, sinasabing sa basic Numerology kung pag-uusapan ang compa­tibility, ang ideal na mag­kasama ay ay ang strong number at weak number upang maging balanse at maligaya ang kanilang re­lasyon.

Sa kaso ng dalawang boyfriend mo, ang birth date na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ni Mr. Aquarius ang mas ka-compatible mo dahil ang numerong seven (7) na may ruling planet na Neptune-Moon ay weak number.

Kumbaga, mapasusu­nod mo siya sa lahat ng gusto mo habang patuloy ka naman niyang pagpapasen­siyahan sa mga topak mo.

Ang ikinaganda pa nito, ang strong number mong 1 ay nagtataglay ng planetang Sun at tulad ng nasabi na, dahil Neptune-Moon ang planeta ng numerong 7, tu­nay ngang ang pagsasama ng Neptune-Moon at Sun ay sadyang magiging maunlad, maligaya at panghabam­buhay.

Kaya kung naghahanap ka ng masayang relasyon at panghabambuhay na, ang dapat mong piliin ay si Mr. Aquarius na may birth date na February 16, 1991 dahil siya ang higit mong ka-com­patible sa aspetong pang-Astro-Numerology na pag-aanalisa, kaya sa piling niya, tiyak na ang maga­ga­nap, may pangako ng ma­ligaya at panghabambuhay na pag­papamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page