top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lola dedbol sa sunog

Pabs Hernandez III
Feb 19, 2019
1 min read

ISABELA—Isang 71-anyos na lola ang namatay nang masunog ang kanilang bahay, kamakalawa sa Bgy. Dammang East, Echague sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Virginia Matterig, residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, bigla umanong sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilyang Matterig at dahil sa katandaan ay hindi na nagawang makalabas ng bahay ang biktima kaya ito nasunog at namatay sa nasabing insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng sunog sa bahay ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page