top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Karpintero hinataw ng bato sa ulo, tigok

  • Mylene Alfonso
  • Feb 19, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang karpintero makaraang hatawin ng malaking tipak ng bato sa ulo ng suspek na umano’y hinihinalang nakaalitan nito sa daan, kamakalawa ng umaga sa Tondo, Manila.

Dead-on-the-spot si Marlou Balena, residente ng San Ildefonso, Bulacan na nadiskubreng may tatlong malaking sugat sa ulo habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, alas-6:20 ng umaga kahapon nang makitang nakahandusay ang biktima sa tapat ng nakaparadang trak sa Mamatina Company sa Magallanes St., Manila North Harbour Centre, Vitas, Tondo.

Ayon kay Leoncio Morte, kasamahan sa trabaho ng biktima, bandang alas-11:00 ng gabi nang magpaalam sa kanya ang biktima na bibili lang ng pagkain.

Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin bumalik sa kanilang barracks ang biktima hanggang sa may nagsabi sa kanya na may pinatay umanong lalaki sa hindi kalayuan kaya agad niyang tinungo dahil sa pagdududa nang hindi na bumalik pa ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page