top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 19, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 19, 2019 (Martes): Timba­ngin mo ang iyong buhay, makikita mo na mara­ming masusuwerteng ba­gay ang sumasaiyo at kung sisinupin mo ito, hin­di ka magsisisi at mang­hihinayang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumagaang ang buhay ka­pag may saya sa bawat kilos o galaw. Hu­wag mong kaliligtaan na paminsan-minsan ay hindi ka dapat masyadong seryoso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-23-28-35-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong haya­ang makalag­pas ang mga magagan­dang oportunidad na nasa iyong harapan. Mamili ka kahit isa lang sa mga ito nang sa gayun ay uma­ngat pa ang buhay mo. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-8-11-15-25-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi ka ma­bi­bigo, sa halip, sobra kang ma­tutuwa kapag patuloy mong nilakasan ang iyong loob laban sa mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-5-20-28-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Kung sino ang nagpapa­saya sa iyo, ‘yun ang magugustuhan mo. Gayunman, walang ga­rantiya na kayo ay ma­giging panghabambuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-25-27-37-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag kang mag-aalinla­ngan da­hil para sa iyo ang nasa harapan mo. Noon pa man ay nakalaan na ‘yan sa iyo, kaya lang nga­yon pa lang ang ta­mang araw para makuha mo ito. Muli, ‘yan ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-28-29-33-38-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit hindi ka nakiki­pagsa­palaran? Du­wag ka ba at mahina ang loob? Ang buhay sa mun­do ay pakikipagsapalaran. Hindi ka dapat maging ne­gatibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-29-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makalilimutan mo ang iyong mga alalaha­nin dahil ang saya at ligaya ay ilalagay sa tabi mo. Ya­kapin mo ito tulad ng pag­yayakapan ng dala­wang nagmamahalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-11-13-28-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang iyong ka­lusugan. Ma­wawalan ng kabuluhan ang mga naipundar mo kapag pinabayaan mo ang iyong sarili, gayun­din ang sobrang trabaho ay hindi mabuti sa tao. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-27-32-38-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang basta-basta nagsa­salita, lalo na kung hindi mo alam ang pinag-u­usapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-21-29-30-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagda­dala ng sakit ang sobrang init at lamig. Ang pag­papalitan ng init at lamig sa araw na ito ang mag­papahina sa iyong kata­wan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-4-17-20-28-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napan­sin mo ba na nag-aawitan ang mga ibon at ito ay tungkol sa pag-ibig? Nga­yon ang masuwerteng araw para muli kang umi­big. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-18-19-23-26-34-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdarati­ngan ang mga su­werte mo. Mas magandang ihanda mo ang iyong sarili kung saan kailangan mong ma­ging masinop. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-13-15-26-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page