top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After ng ambush sa EDSA, 2 patay | RIDING-IN-TANDEM, BAWAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2019
  • 1 min read

KASUNOD ng pamamaril sa EDSA na ikinasawi ng dalawa katao, pinag-aaralan ng Mandaluyong City police na irekomenda sa ibang siyudad at maging sa EDSA ang kanilang ordinansa na nagbabawal sa ‘men riding-in-tandem’.

“Isa sa mga recommendation naming possible action to preempt this one... we will recommend na ‘yung riding-in-tandem na ordinance sa Mandaluyong may be replicated by other cities, at the same time applicable sa EDSA,” pahayag ni Senior Superintendent Moises Villaceran sa isang panayam.

Ang tinutukoy ng opisyal ay ang Mandaluyong City Ordinance Nos. 550 at 595, kung saan ipinagbabawal ang parehong lalaki na sakay sa motorsiklo maliban na lang kung magkamag-anak.

“The MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) should push to implement this,” dagdag pa ni Villaceran.

Matatandaang, dalawa ang patay sa insidente ng pamamaril sa EDSA malapit sa Reliance Street sa Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang van kung saan sakay ang mga nasawi na sina Jose Ruiz Yulo, 62, negosyante at ang drayber na si Allan Nomer Santos, 51. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page