7 timbog sa droga

PITO katao kabilang ang dalawang babae na nagpapakalat umano ng iligal na droga ang nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Naaresto sina Joyleen Fallorina, 35, at Fremie Banal alyas Rose, 39, kapwa ng Bgy. 176, Bagong Silang, ng mga tauhan ng Caloocan PCP 3 sa pangunguna ni Chief Insp. Raymond Nicolas matapos magbenta ng isang ‘bulto’ ng shabu sa police poseur-buyer kapalit ng P500 marked money sa Bgy. 176.
Timbog din sa operation si Daniel John Dizon, 25, mag-amang sina Joel Alonzo, Sr., 41, at Joel Jr., 21, Edwin Nubla, 48, pawang ng Bagong Silang at ang 16-anyos na out-of-school youth matapos maaktuhan sa loob ng bahay na ginagawa umanong drug den.
Narekober ng pulisya kay Fallorina ang isang plastic sachet ng shabu habang nakuha naman kay Banal ang dalawang plastic sachets ng shabu at buy-bust money.
Nakumpiska rin sa limang suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng shabu.
Kasong paglabag sa R.A 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office habang dinala naman ang nasagip na menor-de-edad sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).





Comments