2 pulis niratrat ng riding-in-tandem
- Jeff Tumbado
- Feb 19, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang pulis habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito matapos silang tambangan ng riding-in-tandem sa Cotabato City.
Nakilala ang napatay na si PO1 Ali Mama, naninirahan sa Sultan Kudarat.
Patuloy namang ginagamot si PO1 Jolace Ali Guiamad ng Maguindanao.
Sa nakarating na report kay Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, kapwa sakay sa motorsiklo ang mga biktima na kapwa nakatalaga sa Cotabato City Police Mobile Force Company, pabalik na sa kanilang kampo mula Maguindanao nang pagbabarilin sa Bgy. Rosary Heights 10, pasado alas-7:00 ng gabi ng Linggo.
Hindi pa batid ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen bagama’t, may ilang persons of interest na silang tinutukoy.





Comments