Unfair daw! LIZA, UMAMING PAGOD NANG BUHAYIN ANG PAMILYA

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA programa ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda ay naging guest niya ang young actress na si Liza Soberano. Natanong ng King of Talk kung may time raw bang napagod si Liza bilang breadwinner?
Ani Kuya Boy, “You take good care of yourself, you take good care of your family. Has there been a point in your life, I don’t know how to put this, napagod ka?”
Sagot ng bidang aktres ng Alone/Together na kasalukuyang namamayagpag sa mga sinehan, “Oh, yeah, there’s a lot of times when I just get tired cause… It may be wrong to think this way, but sometimes I feel like it’s unfair that like everything was put on my shoulders. Sometimes I feel like it’s unfair.”
Pero ayon kay Liza, wala naman siyang regrets kung bakit mas pinili niyang isakripisyo ang mga bagay-bagay na para sa sarili for her family.
Pagbabahagi niya, “Kung mapagod man ako, iisipin ko kung bakit ako nagsimula in the first place.”
Mensahe ng kanyang mga fans, “Stay strong lang, Liza.”
Magmula nang mag-artista si Liza ay siya na ang naging breadwinner.
Anyway, congratulations sa LizQuen tandem dahil nabali nila ang dilemma ng mga ipinalabas na pelikula nitong pagpasok ng 2019 which is pawang mga flop.
Sa first day pa lang ng Alone/Together ay tumabo na agad ito sa takilya.





Comments