Surigao del Norte nilindol

NIYANIG ng Magnitude 4.1 na lindol ang General Luna, Surigao del Norte pasado ala-1:00 ng hapon, kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aftershock pa rin ito ng Magnitude 5.9 na lindol sa naturang lugar noong Pebrero 8.
Mahigit 100 aftershocks na ang naitala dahil sa lindol at nito lamang Sabado’t Linggo ay nasa 13 ang naramdaman.
Ayon sa PHIVOLCS, normal lamang ito kapag may isang malakas na lindol na naitala sa isang lugar. Wala namang naitalang pinsala at sa ngayon ay wala pa ring ilalabas na tsunami warning.





Comments