top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SUPREMOS, NAGHIMALA SA PLAYOFFS; ANG BANGIS NG SUPER CRUNCH AT PASIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2019
  • 2 min read

PINAKAMASAMA ang record ng Caloocan Supremos pero himalang pasok ang team sa MPBL Datu Cup playoffs. Mula sa clutch performance ni Almond Vosotros, umangat din ang game form ni Cedric Labing-isa at ang double-double effort ni Rene Pacquiao at Mark Sarangay, kung kaya nakagawa ng 79-72 na upset win ang Supremos laban sa Muntinlupa Cagers kahapon sa Strike Gymnasium.Tinapos ni dating Gilas Cadet stalwart, Vosotros na nakagawa ng 10 of 17 points sa 4th period ang pagsasara sa elimination round campaign ng Supremos sa 11-14 record sa Northern division ng torneo.

Samantala, nagpatuloy ang bangis ng Makati sa MPBL Datu Cup at idinagdag nila sa sa biktima ang Parañaque Patriots-F2 Logistics Huwebes ng gabi.

Inasahan ng Super Crunch ang big game na binalikat ni Jeckster Apinan, na galing sa double-double performance upang pamunuan ang Makati, kung saan ang 13 straight na panalo ang naglagay sa kanila sa 2nd spot sa pahirapang northern division ng torneo.

Pinag-ibayo ng Makati ang win-loss record sa 19-4, kapareho ng Manila. Sa isang panalo, makukuha ng Super Crunch ang No.2 spot ng northern Division.

Bumakas si Apinan na sandaling nakapaglaro sa PBA (NLEX Road Warriors) ng 11 puntos at 12 rebounds. Ang depensa ng Super Crunch ang pinalakas para mapalawig pa ang winning streak at nanatiling pinakamainit na team sa torneo tungo sa playoffs. Nasagap ng Parañaque ang ikawalong diretsong talo at lagpak sa 11th spot na may 8-15 record sa southern division. Ang pagkatalo ang nagpatibag sa Patriots sa playoff race.

Sa main game, naungusan ng Pasig ang Pampanga sa 69-67 win. Pahirapan sa Pampanga ang pagkatalo dahil lumayo pa sila sa playoff berth nang malasap ang back-to-back game loss. Lagpak ang Lanterns sa 9th to 10th places kahilera ang Valenzuela Classic sa Northern Division sa parehong 9-14 record. Natalo ang Pampanga kahit na solido pa ang laro ni Michael Juico. Ang dating GlobalPort Batang Pier ay may 23 puntos at 20 rebounds. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page