top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sila raw ang nakaliligtas sa sunog, magnanakaw, masasamang-loob atbp… MGA PANINIWALA TUNGKOL SA KAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2019
2 min read

SA pagkakataong ito, ang pangunahing katangian at sadlakang kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre ang ating tatalakayin.

Tandaang, ikaw ay mapapabilang sa Year of the Tiger kung ikaw ay isinilang noong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022.

Ang Year of the Tiger ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng planetang Uranus at sa Western Astrology, ito ang kumakatawan sa zodiac sign na Aquarius.

Ayon sa makalumang paniniwala ng mga Chinese kapag sa bahay ay may nakatirang Tigre, ang bahay na ito ay paniguradong maliligtas — sa sunog, mag­nanakaw at mga masasa­mang-loob, gayundin, sa mga aswang at multo.

Ang pagbigla-bigla at wala sa lugar na pagde­desisyon ng Tigre ang pangunahin niyang ugali na dapat niyang itigil o iwasan, lalo na ngayong 2019 upang mas madaling lumigaya at umunlad ang kanyang buhay.

Maraming ginagawa ang Tigre na wala sa lugar at dahil dito, nasasayang tuloy ang kanyang enerhiya. Matapos niyang gawin ang mga bagay na wala sa lugar, sa walang kuwenta rin nauuwi ang nasabing mga proyekto.

Kaya dapat ang Tigre ay magkaroon ng malinaw na layunin at sa tuwing siya ay kikilos at aaksiyon, dapat muna niyang tanungin nang mabuti ang kanyang sarili kung “bakit niya ginagawa ang bagay na ‘yun at kung ano ang tunay niyang dahilan o layunin sa bagay na gagawin niya?”

Kapag ganito palagi ang diskarte ng Tigre, may dahilan at may kongkretong layunin ang bawat ginagawa niya, ru’n pa lamang siya makala­lasap ng tunay na ligaya.

Sinasabi ring ang Tigre ay may pagkarebelde, hindi lamang sa kanyang mga ma­gulang o sa mga nakatataas sa kanya, sa halip, may pag­ka­rebelde siya sa lahat ng bagay, sa kanyang mga pananaw sa buhay, karelas­yon at maging sa kanyang sarili.

Dahil sa ganitong pag-uugali, napagkakamalan tuloy na mahirap intindihin ang Tigre. Sa madaling salita, may kakaiba at may sarili silang mundo na maging ang mga taong malalapit sa kanila kung minsan ay nahihirapan silang intindihin at unawain.

May pagkamakulit at gigil din ang Tigre sa kanyang mga ginagawa, lalo na sa mga gawaing pabigla-bigla lang niyang naisipang gawin. Kadalasan, ang mga bagay na bigla niyang ginusto at naiisip ay mabilis niyang nakukuha, pero, nakapag­tataka dahil ‘yung mga bagay na matagal na niyang pinagplanuhan ay malabo o sadyang hindi niya nakukuha.

Dahil dito, kung makiki­pagsapalaran, mas magiging mapalad at matagumpay ang Tigre. Sa katunayan, hindi na dapat mag-alaga pa ng mga numero, bagkus, bagay sa Tigre ‘yung mga numero na bigla lang niyang naiisip o kaya ay ‘yung tinatawag na “lucky pick”.

Sa ganitong pagtaya sa lotto at sa iba pang number games, mas makasisigurado ang Tigre ng malaking panalo, lalo na ngayong Taon ng mga Baboy.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page