top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Shoutout sa mga preggy diyan...  MGA MOMMY NA POSITIVE THINKER, NAGKAKAROON NG ANAK NA MATALINO SA S

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 18, 2019
  • 2 min read

SINO ba ang ayaw magkaroon ng matalinong anak? Lahat naman tayo ay nangangarap na magkaroon ng mala-Einstein na tsikiting, pero knows ba ninyo na para umano tumalino si bagets, eh, kailangang maging positive thinker si mommy kapag nagbubuntis siya. Woah!

Ayon sa pag-aaral, ang pag-uugali ng nanay habang sila ay nagbubuntis ay mayroong malaking epekto sa buhay ng bata na nasa kanilang sinapupunan.

Sinabi ng mga eksperto, na karamihan sa mga babaeng buntis ay naniniwala na kung ano ang kanilang pag-uugali ay ‘yun din ang magiging ugali ng kanilang ipinagbubuntis na pinatunayan sa pag-aaral na nai-published sa Frontiers in Psychology.

Gayunman, ang mga taong mayroong personality trait na kilala bilang ‘internal locus of control’ ay ang pag-uugali na sumusuporta sa outcome ng mga pangyayari sa ating buhay kung saan ang mga taong ito ay mas motivated sa pagsasagawa ng pagbabago.

Samantala, ang mga taong mayroong ‘external locus of control’, sila naman ang mga hindi nakikitaan ng effort.

Kaya ang mga babaeng buntis na napabibilang sa mga mayroong ‘internal locus of control’ ay posibleng magkaroon ng anak na magaling sa Science at Math, partikular kapag tumuntong na sa edad na 11 hanggang 13 ang kanilang mga tsikiting.

Sa pag-aaral ng mga researcher, humanap sila ng 1,600 pregnant women respondent at pagkalipas ng ilang taon ay tinanong nila ang mga ito tungkol sa mathematical scientific reasoning at problem solving skills ng kanilang mga anak.

Dito nila napatunayan na totoong mayroong magandang epekto ang pagiging positibo tuwing nagbubuntis hindi lang para sa kalusugan ng baby kundi maging sa kanilang pag-iisip at IQ.

Dagdag pa rito, sinabi ni Professor Jean Golding, lead author and founder ng pag-aaral na madalas na nagkakaroon ng academic achievements ang mga batang may nanay na hindi mainitin ang ulo.

Kaya, mga beshy, kung feeling ninyo, eh, dehins kayo matalino, alam n’yo na, ha?

Kidding aside, shoutout sa mga preggy mommy diyan, iwasan ang pagiging negatron para magkaroon ng smart baby.

Okie? Hi-hi-hi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page