top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P5.2 million cocaine, isinuko | DROGA PALIT BIGAS

Jeff Tumbado
Feb 18, 2019
1 min read

ISA pang bloke ng cocaine ang natagpuan sa Camarines Norte.

Ayon sa PNP-Caraga Region, ang naturang bloke ng cocaine ay nakita sa pampang ng Bgy. Bagumbayan, Paracale.

May timbang ito na 989.23 grams at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P5.2 milyon.

Nauna nang hinimok ng Caraga Police ang mga residente na i-report sa mga awtoridad kung may makitang bloke ng cocaine.

Samantala, bawat isusukong bloke ng cocaine ay may kapalit umanong isang sako ng bigas.

Ang kampanya ay kasunod ng pagkakadiskubre sa mga bloke ng cocaine sa karagatang sakop ng Siargao at Dinagat Islands.

Batay sa PNP, ang pagpapalutang ng mga bloke ng cocaine ay isang istilo ng mga sindikato ng droga upang maipuslit ang mga kontrabando.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page