Matapos sumuko | 295 NPA, BIBIGYAN NG CASH, TRAINING AT KABUHAYAN

KUSANG-LOOB na sumuko ang 295 na umano’y miyembro ng New Peoples’ Army sa Surigao del Norte.
Kabilang sa mga sumuko ang 28 miyembero ng Militia ng Bayan at 267 na Underground Mass Organization. Isinuko rin nila ang ilang armas.
Napag-alaman na isa ang Bgy. Camam-onan sa Gigaquit sa mga umano’y conflict-affected areas sa Surigao del Norte.
Samantala, sa isang panayam kay Lt. Ken Enciso, posibleng mabigyan ng cash assistance at training mula sa TESDA at DOLE ang 28 Militia ng Bayan na sumuko.
Ang mga miyembro naman ng Underground Mass Organization ay sasailalim sa mga programang pangkabuhayan.





Comments