top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung noon, manang pumorma… JULIE ANNE, TODO-BUYANGYANG NA AFTER NG BREAKUP KAY BENJAMIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2019
  • 1 min read

SHOCKED ang maraming fans ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose nang makita ang sexy photos niya sa kanyang Instagram account. Kuha ang nasabing sexy pictorial nang magbakasyon siya sa Dakak Resort recently.

Napa-“Wow!” ang ilang guys nang ma­kita ang sexy photos ni Julie Anne. May “K” naman (as in katawan) na puwedeng idispley ang singer-actress at may kara­patang magsuot ng swimwear at rumampa.

Ibang Julie Anne na nga ang nakikita ng lahat ngayon. Kung dati-rati ay ‘manang’ at sobrang conservative ng kanyang image, ngayon ay may transformation na naga­ganap kaya agaw-pansin na rin siya.

Simula nang mag-break sila ni Benjamin Alves ay ibang Julie Anne na ang napapanood ng lahat. May sexy factor na siyang taglay at maganda ang naging attitude niya para maka-move on sa kabiguan sa pag-ibig.

Priority ni Julie Anne ang kanyang singing career. Nagpapa-sexy man siya ngayon sa kanyang mga pictorials, hindi naman niya pangarap maging sexy star.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page