top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | PEBRERO 18, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 18, 2019 (Lunes): Lakas ng loob ang magdadala sa iyo tungo sa tagumpay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ibig sabihin, ngayon ay puwede mo ng hilingin sa langit ang mga pangarap mo na matagal mo ng gustong mapasa­iyo. Muli, humiling ka! Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagka­ka­roon ng kabuhayan ang laman ng iyong isipan. Magaga­wa mo kaya ito? Oo at mag­ka­karoon ka ng maraming kabuhayan, pero dapat ay lakasan mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-12-27-30-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Bago ka sumugod, pag-aralan mo muna ang lahat ng puwedeng mangyari. Ito ang isa sa mga susi kung paano magtatagum­pay ang indibidwal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-19-21-24-25-34.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang mag-iisip ng negatibo sa tuwing makararanas ka ng hindi magagandang pangyayari. Sa totoo lang, namama­hinga lang ang iyong mga suwerte. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-27-29-33-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­bilang ka sa mga susuwer­tehin ngayon. Nag-aabang ang mga suwerte mo at anumang sandali ay darapo na sa iyo ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-16-19-20-23.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang sigla ang da­rapo sa iyo, ito ay dahil nakita ng langit na sigla ang nagpapakilos sa iyo nang sa gayun ay maituloy mo na ang mga balak mo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-11-13-20-26.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mabahala sa mga ikinikilos ng mga lihim mong ka­away dahil mismong langit ang kanilang makaba­bangga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-29-30-34-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumala­kas ang mahi­na at ang malakas ay hu­mihina. Lalakas ka nga­yon, pero bago mangyari ‘yun ay kailangan mo munang matukoy kung saan at ano ang iyong mga kahinaan. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-10-11-18-23-28-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag­ban­tay ka! Ano ang babantayan mo? Ban­tayan mo ang sarili mo dahil malaki ang posibi­lidad na sumobra na naman ang tiwala mo sa iyong kakayahan. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-24-28-40-46.

CAPRI­CORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama ang magta­nong. Ang ma­sama ay ang ayaw magtanong dahil nahi­hiya. Labanan mo ang iyong pagiging mahi­yain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-21-29-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maraming nakalalag­pas dahil sa mabilis mong pagkilos. Mara­mi kang hindi makikita kung mabilis kang magpasya. Ipina­payo sa iyo ng kapa­laran na magdahan-dahan ka dahil ito ang susi para lumigaya ka. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-17-29-40-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin at ipaglaban mo ang para sa iyo. Huwag kang pumayag na mapunta sa iba ang karapatan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-19-27-30-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page