Chance para sa mga may baril na 'di lisensiyado o expired


KAUGNAY ng pag-arangkada ng kampanya, nanawagan ang National Capital Region Police Office sa mga gun owner na boluntaryong isuko ang kanilang mga baril na hindi lisensiyado o expired na ang lisensiya.
Ito ay para lamang sa pansamantalang safekeeping.
Tiniyak din ng pamunuan na tutulungan ng pulisya ang mga gun owner sa renewal ng lisensiya sakaling matapos na ang gun ban.
Sa madaling salita, hindi kakasuhan at hindi rin aarestuhin ang magsusuko ng hindi lisensiyadong baril.
Nauna nang nagpatupad ng gun ban sa bansa upang siguruhing ligtas ang May 13 Elections.
Gayunman, kapansin-pansin na tuwing sasapit ang panahon ng eleksiyon at kahit kaliwa’t kanan na ang mga checkpoint, marami pa rin ang nahuhuli kaugnay ng election gun ban.
May mga insidente rin ng pamamaril kung saan may mga inosente pang nadadamay.
Nakapagtataka, bakit nga ba madaling magamit ang baril sa krimen?
Ganu’n na ba talaga kadaling magkaroon ng baril sa bansa?
Ano pa kaya ang dapat maging aksiyon ng gobyerno laban dito?





Comments