7 adik timbog sa pot session
CAMARINES SUR—Pitong adik ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session, kamakalawa sa Naga City sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Arvin Rosales, Lauren Asis, Ralph Sindo, Noel Anciano, Arvin Cadacio, Libeth Libradilla at Antonio Lazuela.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng pitong sachets ng shabu at mga kagamitan sa pagsinghot ng droga sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments