top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

5 arestado sa baril at droga

Maeng Santos
Feb 18, 2019
1 min read

LIMANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang umano’y gun runner sa isinagawang buy-bust operation of firearm ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) Head PCI Angelo Nicolas ang mga naaresto na sina Jun-Jun Malapit alyas Tegie, 34; Rodolfo Santos, 26; Mark Anthony Basilio, 29; Cesar Ybas, 39, at Mean Dojenas, 22.

Ayon kay PO1 Bengie Nalogoc, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng NPD-DSOU hinggil sa pagbebenta umano ni Malapit ng hindi lisensiyadong baril kaya agad ikinasa ng mga ito ang buy-bust operation of firearm sa pangunguna ni P/Insp. Melito Pabon kontra sa suspek sa Bgy. NBBS, alas-8:30 ng gabi.

Nagawang makabili kay Malapit ni PO1 Carlson Dapapac na nagpanggap na poseur-buyer sa tulong ng kanilang mapagkakatiwalaang impormante ng cal. 38 revolver kapalit ng P1,000 marked money.

Habang nagaganap ang transaksiyon, napansin ni PO1 Dapapac sa loob ng bahay ni Santos ang ilang katao na nagre-repack ng mga piraso ng plastic sachets ng shabu kaya agad itong nagbigay ng go-signal sa kanyang nakaantabay na mga kasamahan.

Agad namang lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek at narekober sa mga ito ang limang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P1,000 ang halaga, ilang drug paraphernalias at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page