Tulak dedbol sa ‘buyer’

WALA ng buhay na bumulagta ang lalaking tulak umano ng droga matapos manlaban sa pulis na umaktong buyer sa Bacoor, Cavite kahapon.
Alas-4:30 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust operation ng Bacoor-PNP at PDEA-Cavite sa Bgy. Talaba 2, Bacoor City, Cavite.
Target ng operasyon ang suspek na si Brian Gallanosa na sa gitna ng transaksiyon ay nakatunog na pulis ang buyer kaya bumunot ito ng cal. 38 revolver.
Pero naunahan siya ng pulis at mga back-up kaya ito napatay.
Nasamsam sa crime scene ang 15 gramo ng shabu at ang mga basyo ng bala at baril ng suspek.





Comments