Mga menor-de-edad ginagawang runner | NAGBEBENTA NG SHABU SA TAPAT NG ISKUL, ARESTADO
- Gina Pleñago
- Feb 17, 2019
- 1 min read

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 ang nahuling drug pusher umano nang makuhanan ng mga awtoridad ng tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu matapos isagawa ang buy-bust operation nitong Biyernes sa Bgy. New Lower Bicutan, Taguig City.
Nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Euela Arguel Rosario, nasa hustong gulang na sinasabing target ng operasyon.
Nakuha ng mga awtoridad ang nasa kalahating kilong hinihinalang shabu na nagkakahalagang P3.4 million. Ang pagkakahuli sa suspek ay bunsod sa natanggap na reklamo ng PDEA mula sa ilang magulang na sangkot umano si Rosario sa talamak na bentahan ng shabu sa tapat ng isang paaralan sa Taguig City.
Nakulong na ito noong 2012 dahil din sa droga pero, nakalaya matapos maabsuwelto.
Ginagawa umano ng naturang suspek na runner ang mga menor-de-edad, ayon kay Levi Ortiz, ng PDEA.
Inamin nito na gumagamit siya ng droga pero, mariing itinanggi nito na nagtutulak siya ng ipinagbabawal na droga.





Comments