top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Malinaw ayon sa birthday… BABAENG NAKATAKDANG MAKAPUNTA SA KOREA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Gusto kong itanong kung anong negosyo, kulay at petsa ang masu­su­werte para sa amin? Nais ko ring malaman kung ma­tutubos namin ang lupa at mga ala­has na naka­sanla pa hang­gang nga­yon?

May kapatid ako sa Ko­rea, matutulungan ba niya akong makapunta ru’n at may pag-asa kaya akong makapag-abroad?

Gusto ko ring ipa­ana­­lisa sa inyo ang aking lagda at ang nunal ko sa muk­ha. September 29, 1981 ang birthday ko at July 16, 1979 naman ang mister ko.

Maraming salamat!

Umaasa,

Lyn ng Apalit, Pampanga

Dear Lyn

Madali lang para mati­yak mo kung makapag-a-abroad at makapupunta ka sa Korea tulad ng ka­patid mo kung saan kung siya ay isinilang sa zodiac signs na Aquarius, Ge­mini, Taurus o kaya ay ka­pwa mo Libra na may mga birth date na 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, tiyak ang magaganap, ma­­­laki ang maitutulong ng ka­patid mong ito upang ma­kapunta at makapag-ab­road ka sa Korea.

Kaya lang kung wala naman sa nasabing mga zo­diac sign at birth date ang iyong kapatid, masa­sabing malabo ka niyang matulu­ngan upang maka­pag-ab­road sa Korea.

Hinggil naman sa ma­su­suwerteng kulay, petsa at ne­gosyo, masuwerte sa mga kulay pula, violet at asul ang tulad mong un­der sa zodiac sign na Libra habang ayon na­man sa birth date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=9) at sa birth date na 16 o 7 (1+6=7) ng mister mo, ang kulay berde ay maaari mo ring isa­alang-alang na maka­pagbi­bigay sa inyo ng okay sa al­right na kapa­laran.

Samantala, dahil 2 ang birth date mo sa destiny number na 3, (9+29+1981 =2019/ 20+19=39/ 3+9= 12/ 1+2=3) ang mapalad mong mga petsa ay 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang mga araw na na­banggit ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, ga­yundin ang mga petsang 1, 10, 19 at 28, lalo na kung natapat ito sa mga araw ng Lunes at Linggo.

Hinggil naman sa kung paano matutubos ang lupa at alahas ninyong naka­sanla, nakita mo ba ‘yang mala­king nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi na malapit sa ilong?

Suwerte ang nunal na ‘yan sa negosyo kung ma­tu­­tunan mo lang na mag­pa­kabait at umiwas sa mga luho, in short, kailangang bago ka magnegosyo ay ma­tututo kang magtipid at mag­sinop ng kabuhayan at bi­lang pagsasanay sa pagne­ne­gosyo, ngayon pa lang ay dapat maging matipid ka na sapagkat ang panguna­hing ugali ng mga yumaya­man sa negosyo tulad ng alam na ­nating lahat ay ang pagi­ging mahigpit sa pera.

Kapag nagawa mong maghigpit sa paghawak ng pera, ‘yang nunal sa ka­nang pisngi mo ay unti-unting ma­bubuhay hang­gang sa maisipan mong magpundar, magsinop ng maraming-maraming pera at materyal na bagay.

Ang weakness ng mga Libra ay masyadong ma­hi­lig sa masasarap na pag­kain at naggagandahang mga bagay, tulad ng mga alahas na hindi naman ma­pakiki­nabangan at kung anu-ano pang luho sa buhay.

Ito ang dahilan kung bakit minsan ka ng nagka­roon ng maraming pera na hatid ng nunal mo sa ka­nang pisngi, pero nawala o nau­ubos din ito.

Saman­tala, bihira sa mga Libra ang yumaya­man, maliban na lang kung ang birth date niya ay 5, 14, 23, 8, 17 at 26, sila ang may pag-asang yuma­man, lalo na kung may malaki silang nunal sa mukha tulad mo.

Subukan mo ang mga negosyong may kaugna­yan sa pagkain, pabango, pam­pa­ganda, butil, tinda­han at iba pang kauri nito.

Pero tu­lad ng nasabi na, bago ka magnegosyo, ka­ilangan mo munang ma­tu­tunang mag­tipid at mag­sinop ng kabu­hayan.

Hinggil naman sa iyong lagda, masyado itong ma­liit na nangangahulugang sa pa­nahon ngayon na­wa­walan ka ng tiwala sa iyong sarili at iniisip mong hindi ka na makaaahon.

Kaya ang payo sa iyo ay lakihan mo ang pag­­kaka­sulat ng iyong lag­da, pero alisin mo muna ang bilog sa unahang bahagi nito, ‘yun bang magulong let­rang “m” na naging bilog.

Alisin mo ‘yun at bu­ha­yin mo ng magandang-ma­ganda ang bawat letra at salita kung saan ang sim­pleng “m” lang ang dapat na walang bilog at kapag na­ayos mo na ang iyong lagda, makikita mo, magkakaroon ng mala­king pagbabago sa iyong buhay.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, basta sundin mo lang mga simpleng reko­men­dasyong inila­had na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa taong 2021, sa edad mong 49 pataas, unti-unti na kayong ma­kaaahon sa kahirapan, ma­tutubos na ninyo ang mga alahas at lu­pang naka­sanla hanggang sa tuluy-tuloy nang uma­senso at umunlad ang in­yong pa­milya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page