Mag karapatan ng magsasaka at may-ari ng lupa bilang partners
- BULGAR

- Feb 17, 2019
- 2 min read
KAPAG ang magsasaka (tenant) at may-ari ng lupa (landlord) ay may kasunduan na sa binhing itatanim ay hati sila, ganundin sa abono na ilalagay bilang pataba sa mga pananim, ang relasyong nabuo ay hindi ng isang landlord at tenant kundi isang partnership.
Nakasaad sa Articles 1767 at 1771 ng Civil Code of the Philippines ang mga sumusunod:
“Article 1767: By the contract of partnership two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of dividing the profits among themselves.
Article 1771: A partnership may be constituted in any form, except where immovable property or real rights are contributed thereto, in which case a public instrument shall be necessary.”
Mula sa probisyon ng nabanggit na batas ay makikita natin na ang nabuong relasyon ay isang partnership. Ang kontribusyon ng bawat isa sa nasabing partnership ay lupa sa landlord, kalahating binhi at abono o pataba at pagtatrabaho sa magsasaka at kalahating binhi at abono o pataba. Anumang kikitain sa pagtatanim ay paghahatian nilang dalawa nang patas.
Bagama’t, ang partnership ay dapat nakalagay sa nakasulat na kontrata kapag mayroong lupang nakasama sa kontribusyon, ang naging kasunduan ng magsasaka at may-ari ng lupa o sa kahanay ay mayroon pa ring epekto sa mga nagkasundo at marapat lamang na maisakatuparan ang napagkasunduan nang may maayos na kalooban. Subalit, dapat na manatiling iyon lamang napagkasunduan ng bawat panig ang mangyari sapagkat kung mayroon pang ginawa ang magsasaka na taliwas sa napagkasunduan tulad ng pagpapatayo ng istruktura na hindi nalalaman ng may-ari ng lupa, maaari niyang ipatanggal sa nasabing magsasaka ang nasabing istruktura sa sarili niyang gastos sapagkat ang sinumang magtayo ng isang istruktura sa lupa ng ibang tao na walang pahintulot ay tinataguriang isang “builder in bad faith”. At dahil ang pagpapatayo ay hindi pinahihintulutan, maaari itong ipaalis ayon sa Artikulo 449 ng Civil Code kung saan nakasaad na:
“He who builds, plants or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity.”
At kung may paglabag sa kasunduan ay maaaring wakasan ang naging kasunduan bilang “partners” dahil sa mga paglabag sa mga napagkasunduan. Kinakailangan lamang na ang lehitimong hati sa ani ng lupang sinaka ay maibigay sa bawat isa.




Marami kaming mga pananim tulad ng mga niyog kahoy, at iba pa ngunit walang naibigay na kahit isang sentimo Ang may Ari ng lupa, karapat dapat bang sisingil siya ng kalahati?