top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalo na ngayong marami na ang maagang nabubuntis, besh... TIPS PARA MABALANSE ANG PAG-AARAL AT LOVE

Donna Thea Topacio
Feb 17, 2019
2 min read

HIRAP ka bang balansehin ang pag-aaral at pag-ibig? Naku, beshy, de­hins puwede ‘yan dahil baka imbes na ma­kapasa ka sa exam, eh, puro itlog ang makuha mo n’yan. Pero, don’t worry and be happy dahil narito ang ilang tips kung paano mo ba­balansehin ang pag-aaral at love life:

1. SELF-DISCIP­LINE. Totoo ito dahil sa lahat ng aspe­to, disiplina talaga ang kai­langan ng tao dahil kung wala tayo nito, wala na, finish na! He-he-he! Kidding aside, ang self-discipline ay na­ka­tu­tulong para maging wais tayo sa paggamit ng oras at araw, lalo na kung ma­rami tayong agenda sa buhay.

2. PRIORITIZE. Bu­kod sa disiplina, dapat ay marunong din tayong mag-prioritize nang sa gayun alam natin kung ano ang mga da­pat nating unahin, halim­bawa, maki­pag-date o mag-aral? Cha­rot!

3. GIVE SOME SPACE. Minsan, kaila­ngan din nating bigyan ng space ang bawat isa upang hindi tayo magka­sa­waan at ma­gawa pa rin natin ‘yung mga bagay na gi­nagawa natin nu’ng tayo ay mag-isa pa lang tulad ng pagba-basket­ball, pag-aaral, pagsasayaw, pag­kanta at marami pang iba.

4. MAKE YOUR LOVE ONE AN INS­PI­RATION. Tama! Da­pat im­bes na hinihila ka pa­baba ng dyowa mo, eh, natutulungan ka pa ni­yang umangat. Ha­ler? Hindi naman siya ta­langka, ‘di ba? Ha-ha-ha! Ga­win mo siyang inspirasyon nang sa gayun ay mas pag­buti­han mo ang iyong pag-aaral.

5. PUT GOD IN THE CENTER. Of course, kung wala si God, wala tayo, kaya dapat Siya ang center ng re­lasyon ninyo para hindi kayo maligaw, gayundin, matutu­lungan Niya kayong balan­sehin ang mga bagay-bagay na ginagawa ninyo, araw-araw.

Lalo na kung si God ang nagsusulat ng love story ninyo, for sure, wala kayong talo.

Kaya, mga beshy, i-enjoy lang natin ang bu­hay. Make sure lang na hindi na­tin napababayaan ang ating pag-aaral para dehins ma­galit sina nanay at tatay.

Have a happy teenage life!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page