top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kathryn, kaya solo sa awards night… KALAT NA: DANIEL, MAS PINILING SUMAMA SA MGA BARKADA SA TAGAYTA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG mas lumalala ang isyung aksidenteng na-block ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang onscreen and offscreen partner na si Daniel Padilla, dahilan para ma-unfollow siya nito sa Instagram.

Kaya sa unang pagkakataon ay sumagot na rin ang ina ng aktres.

May isang netizen na nag-comment sa isang post ng ina ni Kathryn sa Instagram at sinabing kaya diumano nag­hiwalay ang KathNiel ay dahil nasasakal na sa aktres at ina nito na si Min Bernardo si DJ (palayaw ni Daniel).

Sey ng fan, “‘Di n’yo po ba nabasa ‘yung isang diyar­yo, headline po doon na nasa­sakal na raw po si Daniel sa inyo mag-ina raw. Sana, hindi sa inyo nauunang mang­galing ‘yun pakilig pictures ng Kath-Niel ­dahil nag­mumukha daw pong si Kathryn at pamilya Bernardo ang naghahabol at gustung-gusto si Daniel at samantalang si [Daniel] at pamilya n’ya, lalo sina Karla at Ana, ay ayaw na at napipilitan na lang makisama sa inyo gawa ng fans at ilang proyektong kailangang mag­kasama pa ang KathNiel?”

Ayon sa fan, pinagtatakpan lang diumano ni Kathryn si Daniel dahil marami pa rin ang hindi naniniwala na aksidenteng pag-unfollow sa kanya ng aktor, na sinundan pa ng ‘di pagsama ni DJ sa pagtanggap ng award para sa kanilang blockbuster film na The Hows of Us sa ginanap na Film Development Council of the Philippines (FDCP)’s Film Ambassador’s Night.

“Doon po sa huling interview ni Kathryn tungkol sa napindot lang n’ya ‘yung ‘block’ ay madaming ‘di naniniwala. At ‘yung ‘di niya pag-attend ng awards night pero ang totoo, kasama lang daw n’ya mga kabarkada n’ya sa Tagaytay. Sana po, ‘wag n’yo hayaan si Kath lang nagsasalita para pagtakpan sina Daniel,” ang naging pahayag ng fan.

Ayon kay Mommy Min Bernardo, hindi totoo ang mga kumakalat na balitang ito at nakiusap sa mga nagkakalat na tumigil na.

Aniya, “Sana lang, huwag tayong padala at maniwala sa lahat ng nababasa at nadidinig natin. Diff opinions and diff beliefs, na ‘pag pinagsama-sama, nakakasira ng ulo. Kung mahal mo si Kath or DJ, sana lang, magtiwala kayo sa kanila.”

Dagdag pa niya, “Hindi namin kailangan na lahat ng bato na sinasabi ng bawat tao ay sagutin o patulan namin.... Maawa naman kayo sa amin… Sorry, but we need privacy din sa aming personal life, ok!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page