Kandidato sa pagka-vice-gov. inatake, dedo


NAMATAY makaraang atakehin sa puso si Ilocos Norte Provincial Board Member Mariano Marcos II.
Si Marcos na kandidato rin sa pagka-bise-gobernador ay namatay habang hinihintay ang kanyang sasakyang eroplano sa Laoag International Airport patungong Maynila.
Sinasabing nasa loob ng comfort room ang biktima nang ito ay bumagsak sa sahig kung saan agad siyang dinala sa Laoag City General Hospital subalit, idineklarang dead-on-arrival.
Sa kanilang advisory, sinabi ng tanggapan ng 62-anyos na si Marcos na cardiac arrest ang ikinamatay ng biktima.
Si Marcos ay pamangkin ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Naulila niya ang kanyang misis na si Cecilia Araneta at tatlong anak. (BRT)





Comments