top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ilang kandidato pinag-iisipang sumunod kay Roque, atrasan na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2019
  • 2 min read

MAY ilang kandidato na ang nag-iisip na mag-withdraw.

Kumbaga, susun­dan nila si Atty. Harry Roque.

◘◘◘

SA totoo lang, na­pakahirap kumandidato.

Lalamunin ka kasi ng excitement, stress at pressure.

◘◘◘

BINIBIGYAN-DIIN natin na “hindi dapat nagdedesisyon” ang kandidato.

Dapat ay ipaubaya ang desisyon sa “core group”.

◘◘◘

PERO kailangang piliing mabuti ang loob ng core group dahil sila ang magiging “alter-ego” ng kandidato sa panahon ng kampanya.

Mame-mental block ang kandidato sa tindi ng stress.

Ang magdedesis­yon dapat ay ang core group dahil tiyak na pinag-isipan nilang mabuti ang diskarte.

◘◘◘

SA aktuwal, hindi gaanong nakakapag-isip ang kandidato dahil lalamunin siya ng matinding emosyon.

Kung sinong kan­didato ang may pinaka­mahusay na core group, siya ang magwawagi.

◘◘◘

KAPAG bumuo ng core group, dapat ay ibigay dito ang buong tiwala ng kandidato.

Kapag hindi pag­ka­katiwalaan ng kandidato ang kanyang core group, balewala ito.

At malamang na matalo sa laban o dumaan sa butas ng karayom ang kam­panya.

◘◘◘

ANG resulta ng survey ay hindi nanga­ngahulugang siya ang resulta ng botohan.

Ang resulta ng opi­nion survey ay kong­kretong batayan la­mang ng estratehiya na ipatutupad ng core group.

◘◘◘

HINDI dapat “biased” ang opinion survey na isinasagawa, dapat ay confidential at inde­pendent. Hindi nakatu­tuwa na nagwawagi ang kandidato sa “resulta” ng survey sa bungad ng kampanya sapagkat ang “peak” ay masyadong mapapaaga.

Ano ang kasunod ng “peak”? Opo, pag­bagsak ang kasunod nito o pagbaba ng iskor o resulta.

◘◘◘

Makaaapekto kasi ang “pressure at stress” sa kandidato.

Ang kanyang “sa­rili” ang kalaban ng kandidato “during peak” sa survey.

◘◘◘

SA aktuwal, dudu­mugin ng botante at iba pang tao ang no.1 kandidato sa panahon ng peak.

Maging ang kan­yang mga “tropa o core group” ay mag-iinggitan, magsisi­raan at magsisipsi­pan kung saan masisi­ra o mag-aaway-away ang campaign team.

◘◘◘

SA survey, dapat ay nasa no.2 o no.3 spot lang ang kandidato sa panahon ng kampanya, pero dapat siyang umangat ilang araw bago ang aktuwal na halalan.

Tinitimpla-timpla ang kampanya, hindi rin puwede ang bara-bara o walang direk­siyong diskarte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page