top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gang leader dedo sa shootout

Pabs Hernandez III
Feb 17, 2019
1 min read

QUEZON — Isang gang leader ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Isabang, Tayabas City.

Kinilala ang suspek na si Rex Borrinaga, lider ng Bordado Gang at nakatira sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Borrinaga at isang kasama nito pero, biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay si Borrinaga. Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang isa pang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page