top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

7,000 nadale ng tigdas

Madel Moratillo
Feb 17, 2019
1 min read

UMAKYAT na sa halos 7 libong kaso ng tigdas ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Pebrero 13 lamang.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 6,921 kaso ng tigdas na ang kanilang naitala kung saan 115 ang nasawi.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na kaso ng tigdas na may 1,752 kaso, sinundan ng Region IV-A na may 1,653 kaso.

Kasabay nito, sinabi ni Duque na tuloy ang kanyang pag iikot sa mga lugar na maraming kaso ng tigdas.

Nabatid na sa San Lazaro Hospital, ang 70 porsiyento ng mga pasyente ay mula sa Metro Manila.

Target aniya ng kanilang immunization program ay mga batang nasa edad 6 buwan hanggang 9 buwan.

Kasama rin aniya sa kanilang target ay mga nasa kindergarten hanggang Grade 6 na hindi pa nabakunahan kontra tigdas.

Umaasa ang kalihim na sa Abril o Mayo ay makita na nila ang pagbaba ng mga kaso ng tigdas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page