4 sasakyan nagkarambola | 2 BUMBERO, 1 PA DEDBOL

PATAY ang tatlong indibidwal kabilang ang dalawang bumbero sa nangyaring karambola ng apat na sasakyan sa lalawigan ng Quezon.
Nakilala ang mga biktima na sina Fire Officer 3 (FO3) Ronaldo Alcala, Senior Fire Officer 2 (SFO) Cleto Nataño at ang retiradong pulis na si Police Insp. Juanito Untiveros.
Isinugod naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga nasugatang sina Roderick Odi, isang personnel ng Bureau of Fire Protection, Reynold Talain, Aimee Lerum, Marlex Mendegorin, Dandy Severa, Ariel Cris Principe at Lenon Earl Tagulinao na pawang sakay ng pampasaherong bus.
Ayon kay Quezon Provincial Police Office Director Senior Supt. Osmundo de Guzman, nasa Maharlika Highway patungo sa direksiyon ng Bicol Region ang Mitsubishi Adventure na sinasakyan ng mga nasawi nang subukang mag-overtake subalit, hindi na nakabalik sa linya kaya sumalpok sa kasalubong na transport bus na minamaneho naman ni Julio Mayores.
Sinubukan pang iwasan ng driver ng bus ang nasabing AUV pero, hindi na kinaya na naging dahilan ng banggaan. Lumalabas din na kapwa umano mabilis ang takbo ng Mitsubishi Adventure at bus. Damay din ang isang pampasaherong jeep at traysikel.
Nahaharap na ang mga sangkot na driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries and damage to property.





Comments